Sunday, January 23, 2011

ANG MAHIWAGANG KALANSING

  Isang araw, my isang pamilyang napaksaya dahil sa natanggap nilang kompyuter set. Natanggap nila ito sa kanilang tiyahin sa Amerika. Si Boyoyong ang nag-iisang anak nina Aling Bakekang at Mang Toyoyong. Nang maikabit na ni Mang Toyoyong ang kompyuter ay agad agad inagaw ni Boyoyong sa kanyang ama ang upuan ng kompyuter. Nang binuksan na ni Boyoyong ang kompyuter ay ayaw nitong magbukas "tay! bakit ayaw magbukas nitong kompyuter?!" pasigaw nitong tanong sa ama. "Baka mali lang ang pagkakasaksak ko anak, yaan mo at magpapaturo ako kay Bebang." mahinahong sagot nito sa anak. "Si Bebang?! Eh wala naman yung alam eh!" sumbat nito sa ama. "Boyoyong! Hindi ko nagugustuhan ang pagsagot mo sa ama mo!" galit na galit nitong sumbat sa anak. "Ganan naman kayo lagi nanay eh! Lagi na lang kayo ang tama! Wala kayong kwentang magulang!" paiyak na sagot nito sa ina. Pumasok sa kanyang silid si Boyoyong at nilagabag ang pinto.

  Gabi na ng lumabas ng kwarto si Boyoyong. "Anak buti naman at lumabas ka na ng kwarto mo." ani ni Aling Bakekang.” Siyempre! Gutom na kaya ako!” pasigaw na sagot nito sa ina. “tok tok tok, tao po” ani ni Bebang. “Oh Bebang pasok ka at kumaen ka,” bati ni Mang Toyoyong kay Bebang. “Look who’s here?” Galit na sabi ni Boyoyong. “Aayusin ko na lang yang kompyuter nyo Boyoyong” Mahinahong sagot ni Bebang. “Ayusin mo na yan ha!Libre ka na nga sa hapunan dito!” “Gagawin ko ang lahat na makakaya ko Boyoyong para magawa yang kompyuter nyo.” Hiyang sagot ni Bebang. “Babalik na lang ako bukas Mang Toyoyong,kukuha pa po ako ng mga pyesa.” Sige mag iingat ka.”

   Nang matutulog na si Boyoyong ay tinisting niya muli ang kompyuter.Hindi pa rin ito nagana.Pinagsisipa nya ulit ang C.P.U. “Wala palang kwenta itong komryuter na ito!” Hingal na sabi ni Boyoyong sa walang kamalay malay na kompyuter. Nang matutulog na si Boyoyong ay may nakinig siyang nag kakalampagan sa may sala kung saan naroroon ang kompyuter set. Nang tiningnan niya ay wala namang tao doon. Nang pumunta siya sa kwarto niya ay narinig nanaman niya ang nakakatakot na tunog na iyon Dali-dali tumakbo sa kaniyang silid at nagtalukbong ng kumot. Pagkagising niya ay hindi pa rin niya makalimutan.

   “Inay nasa sala po ba kayo nung alas-dose nang hating gabi?” Takot na tanong ni Boyoyong sa Ina. “Alas nueve palang ng gabi ay tulog na kami nang itay mo ,  bakit anak?” nagtatanong na si Aling Bakekang. “wala po inay” nagtatakang sagot ni Boyoyong sa kanyang ina. Maya-maya pay may kumatok. “Tok, tok, tok” “Tuloy” ani Aling Bakekang. “Ayusin ko napo ang Kompyuter ninyo.”  Nakangiting sagot ni bebang. Maya-maya pa ay bumalik na naman ang kasungitan ni Boyoyong. “Hoy , Bebang! Ano na naman ang ginawa mo dito! Kaaga-aga, mukha mo na kaagad ang nakikita ko! Pang-pasira ka ng umaga!!!” Galit na sabi ni Boyoyong sa kanyang pinsan. “Gagawin ko lang ang kompyuter nyo pinsan” nakangiting sagot ni Bebang. “Bilisan mo dyan” ani ni Boyoyong. Makaraan ang ilang oras ay”Pasensya na Boyoyong ngunit di ko maayos ang kompyuter na ito at maraming virus ang umatake sa software nito”. Malungkot na sabi ni Bebang kay Boyoyong. “Palpak ka talaga kahit kelan Bebang! Ha ha ha!” Pang-aasar na sagot ni Boyoyong kay Bebang. “ Sumosobra ka n! Grabe kang manlait ng tao! Kala mo naman napakagaling mo! Hindi ka nga nakatapos ng kolehiyo jan eh!!!! Galit na galit na sagot ni Bebang kay Boyoyong. Hindi nakasagot si Boyoyong At nang makita ni Aling Bakekang at Mang Tayoyong na maiyak-iyak na si Bebang ay nilapitan nila ito at pinauwi muna. “Pati ba naman si Bebang? Hindina namin alam ang gagawin namin sayo Boyoyong! Sumosobra ka na!  gitil na gitil sa sumbat nito sa anak. Nagwala si Boyoyong at initsa ang kompyuter set, sabay pasok sa kwarto.Hindi kumain ng hapunan si boyoyong. Ala una ng hating gabi ng nagutom Si Boyoyong. Tulog na ang kanyang mga magulang kaya walang
Nakalapag na pagkain sa hapag kainan. Narinig na naman niya ang kalansingang tunog na ng gagaling sa may kompyuter set. Kumuha siya ng martilyo pamukpok. “mmmmmay ttttao bba diyan?’ nangangatal na tanong ni Boyoyong. “Boyoyong! Napakasama mo!” galit na sabi ng C.P.U. pinukpok ni Boyoyong ang C.P.U ngunit nagsasalita pa rin ito “magbait ka na Boyoyong, hindi ka na namin gagambalain, pangako namin yan sayo” ani nina monitor, C.P.U, mouse at A.V.R. “oo pangako” sabi ni boyoyong. Simula noon ay ngabait na si Boyoyong

No comments:

Post a Comment